Monday, April 02, 2007

Aedes pare.

Deads na dapat ako ngayon. Patay. Dedo. Corpse. Body. Soul. Spirit. Multo. Rip. Anghel. Demonyo. Nyehehe. At kung anu-anu pang mga term d'yan.

Dengue Hemmorhagic Fever, pare. Ang saya. Halos isang linggo ako sa ospi. Ang saya nga. Try mo, worth it. Kiddin'. =P

Panis na ang blog ko. Awwtzkies. Pero who cares? 'Ala naman 'ata nagbabasa nito. Nyehehe. Halos makalimutan ko na nga password ng account ko eh. November pa kasi last post ko. Nyehehe. Buti na lang magaling ako tsumamba. =P

Mga kachurvahan. Nyehehe. =P

By the way, may new post entry ako. Who cares? Nyehehe. 'Yung draft ko noon pa. Last year pa. Pinost ko lang. September pa at 'yun eh. ^___^


Blog Entry Interrupted.

BLOGGER INFO: This blog entry was posted for the sake of posting a new blog entry. [Kiddin'. Nyahaha. Dinamay pati whole blogger. =P]


Teka, kilala niyo ba si aedes? Ingat lang pow. Wak kayo makipagtextmate at eyeball dun, trust me. =P


If ever na kilala mo ako at binasa mo 'to, salamat.

If ever na hindi mo ako kilala at binasa mo 'to, salamat din.

If ever na kilala mo ako at hindi mo ito binasa, salamat pa rin.

If ever naman na hindi mo ako kilala at hindi mo rin ito binasa, salamat pa rin.

If ever na binasa mo 'to kasi naligaw ka sa blog ko, salamat. Harinawa'y maligaw kang muli at magawi rito. Nyehehe.

If ever na naligaw ka rito at hindi mo rin 'to binasa, salamat pa rin. Alam kong hindi mo rin naman mababasa 'yung pasasalamat ko. Nyehehe.

Peace out mga dude! ^___^ ,V,,

Saturday, November 18, 2006

Solido!

Pink 'yung sinulid na ginamit sa pagburda nung disenyo sa medyas nung batang nakaunipormeng pampaaralan sa simbahan. Pink din 'yung sandalyas 'nung batang babaeng magaslaw. Pink din 'yung baller id'ng suot kong mumurahin. Pink din 'yung namamayaning kulay sa simbahan. Pink din 'yung suot 'nung mga batang naglilibot. Dalawa sila.

Lumapit 'yung batang babaeng nangangayayat sa aking kinakaroonan. Medyo mainit-init pa ang pader na aking sinasadalan, may araw kasi. "Kuya, limos tabi." [Kuya, pahingi ng limos.] sinabi niya. Sabi ko, wala akong pera [wala naman talaga]. Nakataas pa rin 'yung kamay niya. Pinakita ko na lang ang bulsa ko. Nakabaligtad. Wala talaga.

Maya-maya'y umaligid 'yung batang lalaki. Bakas ang nangangayayat niyang katawan sa suot niya. 'Di niya ako nilapitan. Nakita ko siyang naglilibot at namamalimos sa iba't ibang tao. Naalala ko tuloy nung pumunta kami sa sementeryo bago ang kapistahan ng mga patay. An' daming bata. May mga dala silang walis tingting at balde. Nag-aabang sa mga taong gustong magpalinis ng puntod. Ibang klase.

Ba't nagkagan'un, tanong ninyo? Dahil sa ating kinamulatan. Mismo. Simula pa lang ay ganoon na ang ating nakasanayan.

Barado ang ilong ko mula pa kanina [ika nga eh, clogged]. Hindi makalanghap. Hindi makahinga ng samyo ng sariwang hangin. May hangin ngang dumadampi sa aking baga ngunit nananatiling manhid naman sa amoy nito. Gan'yan nga tayo. Nakakahinga naman. Nakakaalpas ng isang araw. Pero manhid pa rin! Manhid pa rin sa bukas, yaong mas maituturing na mas mahalaga. Marahil nga'y kulang tayo sa motibasyon. Motibasyong magbabala sa atin sa tagumpay at mas nakaaangat na kalagayan.

Mananatili pa rin ang bakas ng pag-asa sa peklat na natamo ng ating bansa. Magsilbi sanang kanyon sa ating lahat ang mga batang yaon, kanyong magpapaangat sa ating diwa at maibabala tayo patungong bukas. Bukas na puno ng kamalayan at walang bahid ng kamanhidan.

Sunday, November 12, 2006

Gulong. Sige. Gulong.

Pishbol! Pishbol! "Pabili po ale! Saan po ang matamis?" Plok! Hmm.. Sarap! Marahil nga'y sinsarap na 'to ng langit. Langit na punung-puno ng mga anghel. Langit na halos ayaw mo nang maglaho pa. "Isa pa nga po!" Hmm.. Sarap talaga! "Isa pa!".

Ngunit sa dagling sandali, BANG! BOOM! Usig ng martilyong tumama sa ulo ko. Gumising ka! Pahiwatig nito. Gising sa katotohanan. Gising sa katotohanang mahapdi. Hindi na sapat ang pampamasahe.

Mistulang Deal or No Deal ang buhay, walang kasiguraduhan, walang katiyakan.

Lakad, lakad.. Sementadong kalye. Sementadong sapak ng panahon. Sementadong supalpal ng pagkakataon. Ang init! Nakatutunaw! Init na tagos hanggang buto. Isang 'di inaasahang tadyak ng buhay.

Captain Barbell! Tibay at lakas ng loob.. Buti pa siya.. ang iaalay para lang sa'yo.

"Are you listening?" napadilat ang mata ko. Nasa eskwelahan na pala ako. Katahimikan. "So what's the answer for my question?" tahol ng mapusyaw na mukhang bumulaga sa aking harapan.

Punung-puno talaga ng mga sorpresa. Punung-puno talaga ng mga eksklamasyon, mga eksklamasyon na.. POOF! 'di mo man lang namalayan na 'and'yan na. Biglang lilitaw, biglang bubulaga sa 'di inaasahang oras. Parang mga emergency call nina Narda at Teng.

"I'm sorry ma'am. I wasn't listening."
Lagi naman eh. Nyehehe..

Dumadaplis lang bigla, minsan nga'y direktang batok ang ipapatikim sa'yo. Awwtz! Sakit! Medyo masakit lalo na 'pag 'di ka handa.

Ngunit 'wag mangamba! Ang mga pagsubok ay kayang lampasan. "You may sit down now." Hay salamat..

Ang mga pagsubok ay parang 'yung secret ingredient ng ale sa kanyang pishbol, nakakadagdag ng sarap. Sa tulong nito'y mas nagiging kapana-panabik ang buhay ngunit parang 'yung halo sa pishbol din nung ale, mahirap hulaan at mas mahirap alamin, tanging ngiti lmang ang sukli niya sa mga katanungan ko.

Pishbol! Pishbol! "Pabili po Ale!" Tila isang umalokohang sabik. Sinigurado ko na sa pagkakataong ito, sapat pa ang pera. "Saan po ang matamis?" Plok! Hmm.. Sarap! Pero.. Parang.. Parang.. Parang.. Waaa! Ang anghang!

Sorpresa! Ang mundo'y bilog, parang pishbol, parang buhay. Perang nahulog, p'edeng gumulong. Iba't ibang sarsa ang pwedeng pagpilian. Maanghang man o matamis, kagustuhan mo ang masusunod. Siguraduhin lang na babagay at gusto mo ang iyong pipiliin. Tara t'ena't makigulong na! Lusong na! Sawsaw na!

Tuesday, November 07, 2006

Pula. Pula nga.

Madugo ang langit kanina. Madugo nga. May pagkadalandan at pula.

Peste!

Hindi 'yung langit. 'Yung smoke belcher sa harapan ng traysikel na sinasakyan namin. Nakasusulasok na usok.


~Ipagpapatuloy.~

Thursday, September 14, 2006

Blangkong May Laman. [Draft 'to noon.]

Adik sa Coke, sa iced tea, sa’yo. Asa sa Coke, sa iced tea, sa’yo.

Abot-kamay, abot-tanaw pero malayo pa rin. Ibang klase. Ang korni ko.

Maganda ka talaga.


Bola. Nyehe.

Ngiti mo'y WHOA!

Nakalulunod ka.

Parang ewan.

Parang ewan.

Parang.. ewan nga.

Hindi maipaliwanag.

Korny ko talaga.

Para kang coke at iced tea. Nyehehe.

Refreshing kaso nakakahina, mahal kasi. Nyehehe.

Pero kahit ganun, kaadik ka. Heaven s'ya pare. Totoo.

Masaya ako. Masaya nga ba? Yata.

Kasi 'eto, asa sa Coke, sa iced tea, sa'yo.

Asa.

Asa pa.

Thursday, August 10, 2006

Take 2 ~

-- sa ikalawang pagkakataon --

Hayan na naman.

Badya ng oras.

Late na naman ako.

DALI!

Amfufu..

Lagi na lang. Wakokocokes.

...

Bwaha!

Malapit na sa room.

Malapit na sa bulwagang dapat marating.

Ngunit..

Pagtingin ko sa baba,

Bigla ko na lang napansin na..

WAAA!! Bukas pa pala ang birule ko. Na naman.

Nyehehe..

Ganyan talaga ang buhay. >.<

Monday, July 31, 2006

Sneeze.

Self-control is STRENGTH.
Right thought is MASTERY.
Correct priority is WISDOM.
Calmness is POWER.
Kamusta kaibigan?

SIGE LANG. Sigaaaw pa! Teka, hingal ka na? Aaaw.

Hehe..

~

'Lamat sa pagbabasa. Mabuhay ka.