Sunday, November 12, 2006

Gulong. Sige. Gulong.

Pishbol! Pishbol! "Pabili po ale! Saan po ang matamis?" Plok! Hmm.. Sarap! Marahil nga'y sinsarap na 'to ng langit. Langit na punung-puno ng mga anghel. Langit na halos ayaw mo nang maglaho pa. "Isa pa nga po!" Hmm.. Sarap talaga! "Isa pa!".

Ngunit sa dagling sandali, BANG! BOOM! Usig ng martilyong tumama sa ulo ko. Gumising ka! Pahiwatig nito. Gising sa katotohanan. Gising sa katotohanang mahapdi. Hindi na sapat ang pampamasahe.

Mistulang Deal or No Deal ang buhay, walang kasiguraduhan, walang katiyakan.

Lakad, lakad.. Sementadong kalye. Sementadong sapak ng panahon. Sementadong supalpal ng pagkakataon. Ang init! Nakatutunaw! Init na tagos hanggang buto. Isang 'di inaasahang tadyak ng buhay.

Captain Barbell! Tibay at lakas ng loob.. Buti pa siya.. ang iaalay para lang sa'yo.

"Are you listening?" napadilat ang mata ko. Nasa eskwelahan na pala ako. Katahimikan. "So what's the answer for my question?" tahol ng mapusyaw na mukhang bumulaga sa aking harapan.

Punung-puno talaga ng mga sorpresa. Punung-puno talaga ng mga eksklamasyon, mga eksklamasyon na.. POOF! 'di mo man lang namalayan na 'and'yan na. Biglang lilitaw, biglang bubulaga sa 'di inaasahang oras. Parang mga emergency call nina Narda at Teng.

"I'm sorry ma'am. I wasn't listening."
Lagi naman eh. Nyehehe..

Dumadaplis lang bigla, minsan nga'y direktang batok ang ipapatikim sa'yo. Awwtz! Sakit! Medyo masakit lalo na 'pag 'di ka handa.

Ngunit 'wag mangamba! Ang mga pagsubok ay kayang lampasan. "You may sit down now." Hay salamat..

Ang mga pagsubok ay parang 'yung secret ingredient ng ale sa kanyang pishbol, nakakadagdag ng sarap. Sa tulong nito'y mas nagiging kapana-panabik ang buhay ngunit parang 'yung halo sa pishbol din nung ale, mahirap hulaan at mas mahirap alamin, tanging ngiti lmang ang sukli niya sa mga katanungan ko.

Pishbol! Pishbol! "Pabili po Ale!" Tila isang umalokohang sabik. Sinigurado ko na sa pagkakataong ito, sapat pa ang pera. "Saan po ang matamis?" Plok! Hmm.. Sarap! Pero.. Parang.. Parang.. Parang.. Waaa! Ang anghang!

Sorpresa! Ang mundo'y bilog, parang pishbol, parang buhay. Perang nahulog, p'edeng gumulong. Iba't ibang sarsa ang pwedeng pagpilian. Maanghang man o matamis, kagustuhan mo ang masusunod. Siguraduhin lang na babagay at gusto mo ang iyong pipiliin. Tara t'ena't makigulong na! Lusong na! Sawsaw na!

No comments:

Kamusta kaibigan?

SIGE LANG. Sigaaaw pa! Teka, hingal ka na? Aaaw.

Hehe..

~

'Lamat sa pagbabasa. Mabuhay ka.