Saturday, November 18, 2006

Solido!

Pink 'yung sinulid na ginamit sa pagburda nung disenyo sa medyas nung batang nakaunipormeng pampaaralan sa simbahan. Pink din 'yung sandalyas 'nung batang babaeng magaslaw. Pink din 'yung baller id'ng suot kong mumurahin. Pink din 'yung namamayaning kulay sa simbahan. Pink din 'yung suot 'nung mga batang naglilibot. Dalawa sila.

Lumapit 'yung batang babaeng nangangayayat sa aking kinakaroonan. Medyo mainit-init pa ang pader na aking sinasadalan, may araw kasi. "Kuya, limos tabi." [Kuya, pahingi ng limos.] sinabi niya. Sabi ko, wala akong pera [wala naman talaga]. Nakataas pa rin 'yung kamay niya. Pinakita ko na lang ang bulsa ko. Nakabaligtad. Wala talaga.

Maya-maya'y umaligid 'yung batang lalaki. Bakas ang nangangayayat niyang katawan sa suot niya. 'Di niya ako nilapitan. Nakita ko siyang naglilibot at namamalimos sa iba't ibang tao. Naalala ko tuloy nung pumunta kami sa sementeryo bago ang kapistahan ng mga patay. An' daming bata. May mga dala silang walis tingting at balde. Nag-aabang sa mga taong gustong magpalinis ng puntod. Ibang klase.

Ba't nagkagan'un, tanong ninyo? Dahil sa ating kinamulatan. Mismo. Simula pa lang ay ganoon na ang ating nakasanayan.

Barado ang ilong ko mula pa kanina [ika nga eh, clogged]. Hindi makalanghap. Hindi makahinga ng samyo ng sariwang hangin. May hangin ngang dumadampi sa aking baga ngunit nananatiling manhid naman sa amoy nito. Gan'yan nga tayo. Nakakahinga naman. Nakakaalpas ng isang araw. Pero manhid pa rin! Manhid pa rin sa bukas, yaong mas maituturing na mas mahalaga. Marahil nga'y kulang tayo sa motibasyon. Motibasyong magbabala sa atin sa tagumpay at mas nakaaangat na kalagayan.

Mananatili pa rin ang bakas ng pag-asa sa peklat na natamo ng ating bansa. Magsilbi sanang kanyon sa ating lahat ang mga batang yaon, kanyong magpapaangat sa ating diwa at maibabala tayo patungong bukas. Bukas na puno ng kamalayan at walang bahid ng kamanhidan.

Sunday, November 12, 2006

Gulong. Sige. Gulong.

Pishbol! Pishbol! "Pabili po ale! Saan po ang matamis?" Plok! Hmm.. Sarap! Marahil nga'y sinsarap na 'to ng langit. Langit na punung-puno ng mga anghel. Langit na halos ayaw mo nang maglaho pa. "Isa pa nga po!" Hmm.. Sarap talaga! "Isa pa!".

Ngunit sa dagling sandali, BANG! BOOM! Usig ng martilyong tumama sa ulo ko. Gumising ka! Pahiwatig nito. Gising sa katotohanan. Gising sa katotohanang mahapdi. Hindi na sapat ang pampamasahe.

Mistulang Deal or No Deal ang buhay, walang kasiguraduhan, walang katiyakan.

Lakad, lakad.. Sementadong kalye. Sementadong sapak ng panahon. Sementadong supalpal ng pagkakataon. Ang init! Nakatutunaw! Init na tagos hanggang buto. Isang 'di inaasahang tadyak ng buhay.

Captain Barbell! Tibay at lakas ng loob.. Buti pa siya.. ang iaalay para lang sa'yo.

"Are you listening?" napadilat ang mata ko. Nasa eskwelahan na pala ako. Katahimikan. "So what's the answer for my question?" tahol ng mapusyaw na mukhang bumulaga sa aking harapan.

Punung-puno talaga ng mga sorpresa. Punung-puno talaga ng mga eksklamasyon, mga eksklamasyon na.. POOF! 'di mo man lang namalayan na 'and'yan na. Biglang lilitaw, biglang bubulaga sa 'di inaasahang oras. Parang mga emergency call nina Narda at Teng.

"I'm sorry ma'am. I wasn't listening."
Lagi naman eh. Nyehehe..

Dumadaplis lang bigla, minsan nga'y direktang batok ang ipapatikim sa'yo. Awwtz! Sakit! Medyo masakit lalo na 'pag 'di ka handa.

Ngunit 'wag mangamba! Ang mga pagsubok ay kayang lampasan. "You may sit down now." Hay salamat..

Ang mga pagsubok ay parang 'yung secret ingredient ng ale sa kanyang pishbol, nakakadagdag ng sarap. Sa tulong nito'y mas nagiging kapana-panabik ang buhay ngunit parang 'yung halo sa pishbol din nung ale, mahirap hulaan at mas mahirap alamin, tanging ngiti lmang ang sukli niya sa mga katanungan ko.

Pishbol! Pishbol! "Pabili po Ale!" Tila isang umalokohang sabik. Sinigurado ko na sa pagkakataong ito, sapat pa ang pera. "Saan po ang matamis?" Plok! Hmm.. Sarap! Pero.. Parang.. Parang.. Parang.. Waaa! Ang anghang!

Sorpresa! Ang mundo'y bilog, parang pishbol, parang buhay. Perang nahulog, p'edeng gumulong. Iba't ibang sarsa ang pwedeng pagpilian. Maanghang man o matamis, kagustuhan mo ang masusunod. Siguraduhin lang na babagay at gusto mo ang iyong pipiliin. Tara t'ena't makigulong na! Lusong na! Sawsaw na!

Tuesday, November 07, 2006

Pula. Pula nga.

Madugo ang langit kanina. Madugo nga. May pagkadalandan at pula.

Peste!

Hindi 'yung langit. 'Yung smoke belcher sa harapan ng traysikel na sinasakyan namin. Nakasusulasok na usok.


~Ipagpapatuloy.~

Thursday, September 14, 2006

Blangkong May Laman. [Draft 'to noon.]

Adik sa Coke, sa iced tea, sa’yo. Asa sa Coke, sa iced tea, sa’yo.

Abot-kamay, abot-tanaw pero malayo pa rin. Ibang klase. Ang korni ko.

Maganda ka talaga.


Bola. Nyehe.

Ngiti mo'y WHOA!

Nakalulunod ka.

Parang ewan.

Parang ewan.

Parang.. ewan nga.

Hindi maipaliwanag.

Korny ko talaga.

Para kang coke at iced tea. Nyehehe.

Refreshing kaso nakakahina, mahal kasi. Nyehehe.

Pero kahit ganun, kaadik ka. Heaven s'ya pare. Totoo.

Masaya ako. Masaya nga ba? Yata.

Kasi 'eto, asa sa Coke, sa iced tea, sa'yo.

Asa.

Asa pa.

Thursday, August 10, 2006

Take 2 ~

-- sa ikalawang pagkakataon --

Hayan na naman.

Badya ng oras.

Late na naman ako.

DALI!

Amfufu..

Lagi na lang. Wakokocokes.

...

Bwaha!

Malapit na sa room.

Malapit na sa bulwagang dapat marating.

Ngunit..

Pagtingin ko sa baba,

Bigla ko na lang napansin na..

WAAA!! Bukas pa pala ang birule ko. Na naman.

Nyehehe..

Ganyan talaga ang buhay. >.<

Monday, July 31, 2006

Sneeze.

Self-control is STRENGTH.
Right thought is MASTERY.
Correct priority is WISDOM.
Calmness is POWER.

Friday, June 30, 2006

Waa!

-- kwento --

Hunyo 21, 2006

Waa..

Alas syete na!

Late na ako.

Na naman.

...

Dali. Dali.. Kain.

Dali. Dali.. Tootbrush.

Dali. Dali.. Ligo.

Dali. Dali.. Bihis.

Dali. Dali.. Sakay.

...

Para!

...

Papasok na ako ng gate nang bigla 'kong napansin..

Pagtingin ko sa baba..

...

Waa!!

Bukas pala birule ko.

Waa!!

Kahiya.. >.<

...

Relax lang kasi.

If you're late, don't hurry na, 'coz you're already late naman eh. Hehe..

Peace out!

Sunday, June 18, 2006

My grandfather wrote this.. wrote this when he was still alive..

My Body Shall Enrich The Earth
It was a joy for me to live
When I was alive.
It is even more so to be dead
For
From dust to dust
I have returned.
Returned
My body shall enrich the earth
It shall become the plants to feed the living
It is dying
That I shall live.
Just something to share.

Friday, June 16, 2006

Fourth Day Scream!

"..you light my way, you always take my breath away.."

Thursday, June 15, 2006

Third Day Growl!

"Listen.."

Makinig.

Pakinggan ang marahang pintig.
Isagap ang mumunting ihip.
Dinggin ang mahinang kaluskos.

Makinig.

Pagtuunan ng pansin ang tunog.
Matutong umintindi.

Hindi lang ikaw ang tao sa mundo.

Hindi lang puro ikaw ang masusunod.

Hindi lang puro ikaw ang tama.

MAKINIG!!

Makinig ka naman.

Pakinggan ang daing ng tao nasa paligid mo.

Bigyan ng importansya ang damdamin nila!

PAHALAGAHAN!!

Hindi lang puro ikaw!

Matuto ka namang magpahalaga, UMUNAWA.

Pakiusap.

Pakinggan ang boses namin.

Naming mga estudyante!

TINIG NG PAGTUTOL!!

TAGHOY NG PAGPUPUMIGLAS!!

Pakiusap.

Wednesday, June 14, 2006

Second Day Roar!

"Respect begets respect."

Tuesday, June 13, 2006

First Day Shout!

“Waow ang ganda. Hanep!”

Kaliwa’t kanan. Kahit s'an ka lumingon.
Kintab. Kinang. Kislap.
Cool. Uztig. Lupet.
Unique. Rare. Exclusive.
Bagong bag.
Bagong uniform.
Bagong sapatos.
Bago lahat.
Mamahalin. Branded. Imported.

NAKAKASILAW. NAKAKABULAG.

‘Yan ang kadalasang eksena sa unang araw ng pasukan.

KARAMIHAN sa kabataan sa panahon ngayon ay lihis na ang paniniwala, bulag sa katotohanan, silaw sa mga bagay na mamahalin. Para sa IBANG mga kabataan, pagandahan, pamahalan, pataasan ng presyo, ‘yan ang kanilang pamantayan, ‘yan ang kanilang sukatan, ‘yan ang kanilang timbangan. Kailan pa ba naging sukatan ang presyo ng kasipagan? Kailan pa ba naging sukatan ang tatak ng mga bagay ng tunay na pagpupursigi sa pag-aaral?

Noong nakaraang linggo, may napanood ako sa telebisyon na kwento ng isang babaeng nasa kinse anyos o disi-sais anyos. Maggegrade six pa lamang siya dahil huminto siya ng pag-aaral noon. At dahil sa hirap ng buhay, para makapag-aral, pagsasabayin niya ang pag-aaral at pagtatrabaho. Alas dos ng hapon ata ang pasok niya hanggang hatinggabi. At pagbalik niya, magtatrabaho siya agad hanggang alas nuwebe ng umaga, tsaka lang siya matutulog. Sa tatlumpung pisong kinikita niya sa isang araw, ang bente ay ibinibigay niya sa kanyang ina, at ang sampung piso naman ay ang gagamitin niyang pamasahe at panggastos sa paaralan.

Alam kong isa lang siya sa maraming katulad niya. Salat sa pera, salat sa mga mamahalin at magagandang mga kagamitan, kahit gan’un, pursigido pa rin siyang mag-aral, hindi katulad ng ibang tao na iniisip lamang ang iisipin ng ibang tao kaya halos tinatratong BAHAGI na ng mga kailangan ang mga mamahalin, mga markadong mga gamit at mga gamit na galing sa ibang bansa, halos itinuturing na nilang PANGANGAILANGAN ang mga ito.

Sa aking palagay, wala naman talaga sa baon, wala sa kaantasan ng pamumuhay, wala sa mga bago at mamahaling kagamitan, wala rin sa marka ng mga bagay at mga presyong halos umabot na sa kalangitan. Ang tunay na sukatan ay ang PAGPAPAHALAGA SA EDUKASYON, ang PAGPUPURSIGI, ang PAGSUSUMIKAP.

Monday, June 12, 2006

Glorious?

Sugod mga kapatid! Tayo ay magsama-sama. Iwagayway na ang bandera! Rally and rally hanggang umaga!!

Rally dito, rally d’on. Laganap ang rally. Sangkatutak. Rally? Pagpapahayag ng daing at sigaw ng damdamin. Pagpapahiwatig ng opinyon o kagustuhan.

“Patalsikin si Gloria!” sigaw ng mga rallyista KADALASAN.

Say what?! Patalsikin ang Pangulo ng Pilipinas? Hmm.. Ba’t gusto nilang patalsikin si GMA? Ano ba ang dahilan kung bakit gusto nila siyang pababain? Korapsiyon? Bakit? May katibayan ba sila? Meron yata eh at kung korap nga siya, HALOS LAHAT naman SIGURO korap. Sabi nga ng iba, “EVERYBODY’S SIN IS NOBODY’S SIN.” Pero hindi ko kinukunsinte ang mga korap, gusto ko rin sana silang iwaksi sa ating pamahalaan, kaso anung magagawa ko? Wala pa. Kinse anyos pa lang ako. Tatlong taon pa bago ako makaboto [18 years old ang alam ko, pero sabi ng iba 21?]. Sino ba ang naghalal sa ating pangulo at iba pang opisyal ng ating pamahalaan? ANG MAMAMAYANG PILIPINO. Hindi ba? Ang mga botante. Ang IBANG rallyista, na bumoto noon ay gustong patalsikin ang kanilang iniluklok sa pwesto noong eleksiyon. Ang pagboboto ay katulad din ng pagpapakasal, na “HINDI PARANG KANIN NA ‘PAG NAPASO KA, PWEDE MONG ILUWA.” SA AKING PALAGAY, hawak ng mga botante ang tadhana ng isang bansa, kung ito ba’y babagsak o aangat. Ang mga botante ay dapat maging mapagkilatis sa mga kandidatong tatakbo sa bawat puwesto. Hindi dapat boto nang boto nang hindi mo pa nakilala ang mga kandidato, tapos magsisisi ka na kung bakit mo pa siya binoto.

Pandaraya niya sa eleksiyon? Bakit? May ebidensiya ba? Meron yata eh. Ok. Hayaan na lang natin na ang korte ang mag-imbestiga, magdesisyon at humatol sa kasalanan niya. SA AKING PALAGAY, wala namang MASYADONG magagawa ang pagrarally para ipausad ang pagdesisyon ng korte. Katulad nga dito sa amin, ang kaso ng pinaslang na babae, gusto ko rin sanang mabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay, marami na rin ang nagrally para ihingi ang hustisya, kaso, WALA, wala pa rin. Hindi ko naman kayo pinipigilan na magrally, alam ko, may karapatan naman ang bawat isang magpahayag ng kanilang damdamin. KASO, madalas ko ring marinig sa IBANG [hindi naman lahat] rallyista na, “Itaas ang suweldo ng manggagawa!” o “Dagdagan ang minimum wage!”. Oo nga, mahirap nga talaga ang buhay ngayon, konti nga ang sweldo ng mga manggagawa, ang IBANG manggagawa ay pumupunta sa rally, oo, para ipahayag ang kanilang daing, ang mababang sweldong natatanggap nila, pero bakit gan’un? Sa kanila na mismo nanggaling na kulang ang sweldo nila, ngunit ‘di ba mahal ang kanilang mga kagamitan sa pagrarally, mga tela, mga banner, mga placards, mga tau-tauhan, mga streamers, kuryente at kung anu-ano pa? Dagdag pa dito ang kanilang pamasahe, pagkain at iba pa. Wala naman akong sinasabing huwag silang gumamit ng mga iyon, kaso, sabi nga nila, mahirap ang buhay sa ilalim ng PAMAMAHALA NI GMA, halos wala na DAW silang makain, pero bakit gan’un? May pambili sila ng mga parapernalya sa kanilang pagrarally? Hmm.. Eh kung pagkain kaya ang bilhin nila kesa sa mga placards na ‘yan. Wala naman akong karapatan para suwayin sila o pagsabihan dahil karapatan naman nila ‘yun. Hindi naman ako nakikialam. Hmm.. Wala lang.. Naisip ko lang..

Eh kung mapatalsik nga si Gloria sa pwesto niya? Sino ba ang kanilang gustong iluklok? Sino nga ba?? Bagong kandidatong hindi pa subok? Bagong kandidatong ‘ni hindi man lang nakatapak sa mataas na paaralan? Bagong kandidatong mangangakong papaunlarin ang ating bansa? Hmm.. BAKA mas maging masahol pa ang antas ng pamumuhay sa ating bansa.

HINDI AKO PRO GLORIA. HINDI RIN AKO ANTI. Isa lang ako sa mga kabataang maraming katanungang naglalagak sa kaisipan. Isa lang ako sa mga mamamayang Pilipino na naghihintay sa pag-unlad at pagsulong natin. Sino ba naman ang ayaw ng kaunlaran?

HINDI KO TINUTUTULAN ANG MGA RALLYISTA, HINDI KO RIN SILA KINUKUMBINSENG MAG-RALLY. Batid ko namang may karapatan ang bawat isa. Hanga ako sa tapang ninyong maipahiwatig ang nararamdaman ninyo, iginagalang ko ang inyong mga desisyon at wala akong layuning pakialaman ang karapatan o opinyon ninyo. Nais ko lang malaman ng iba ang aking ideya sa mga bagay-bagay.

MARAHIL NGA, mura pa ang aking isip. Hindi ko sinasara ang pinto sa pagpapahayag ng aking daing tungkol sa ating pamahalaan. MARAHIL NGA, hindi ko pa masyado naiintindihan ang mga pangyayari. MARAHIL NGA, sadyang 'di ko pa talaga makita ang totoong nangyayari. MARAHIL NGA.

Thursday, June 08, 2006

Hack You!

Krimen. Sa makabagong mundo ng teknolohiya.


hack [ hak ]

verb (past and past participle hacked, present participle hack·ing, 3rd
person
present
singular hacks)

intransitive verb COMPUT gain unauthorized
access to computer data: to use a computer or other technological device or
system in order to gain unauthorized access to data held by another person or
organization


hack·er [ háker ] (plural hack·ers)

noun

1. somebody accessing another's computer
without authorization: a computer user who gains unauthorized access to a
computer system or data belonging to somebody else

2. computer enthusiast: somebody who is
interested or skilled in computer technology and programming

...

Sa pagkakaalam ko, may dalawang klasipikasyon ang hacker. Tulad ng dalawang uri ng halos lahat ng bagay sa mundo, may mabuti at masama.

...

What the.. Muntik na akong mahulog sa patibong ng hacker na y'un ah. Muntik na! Muntikan na! Nagpakatanga na naman. Muntik na. Isang pulgada na lang ang layo.. sana'y naging biktima na ako. Buti na lang.. What the..

...

Maihahalintulad ang 'Hacking' sa pagnanakaw. Ang pagnanakaw ng mga mahahalagang impormasyon, mga bagay na pribado, ang sapilitang pagkuha o paghalungkat ng mga importanteng datus, maging ang pagkuha ng mga bagay na kabilang sa reyalidad ng mundong birtwal na sa katunayan ay ilusyon lamang, ay napapahanay sa hacking.

Ba't gan'un? Wala na bang magawang matino ang IBANG hacker? Ay sauce! Gagawin ang lahat para lang makuha ang gusto nila. Hindi na nila inisip ang magiging epekto n'un sa kanilang biktima. Hindi na nila inisip.. Eh kung sila kaya ang maging biktima? Eh kung sa kanila kaya gawin ang mga ginagawa nila sa iba? Malamang.. mararamdaman na rin nila.. ang pait.. ang kaba.. ang pakiramdam.. ang panghihinayang.. ang pagsisisi.

Pero, kung sa bagay, may kasalanan din ang biktima, dapat mas naging maingat siya, mas naging mapagmatyag, mas naging alerto sa mga kilos niya. Sana bago siya pumasok sa isang bagay, alamin niya muna kung tama ba ang pinaggagagawa niya. Sabi nga ng iba..

"Walang manloloko kung walang magpapaloko."

Wala lang. 'Yun na 'yun.

Basta..

Ingat po sa web. Ingat sa mga masasamang tao. Ingat sa mga mapagsamantala. Ingat sa mga manloloko.

Tuesday, June 06, 2006

Anim na Raan Animnapu't Anim

"May mga kikidnapin para ialay sa kadiliman.."

'Yun ang sabi ng mensahe na natanggap ko noon pa. Malayo pa ang June. Pinaaalalahanan na mag-ingat daw sa ika-anim na araw ng Hunyo. At ipasa daw ang mensaheng 'yun sa ibang tao. Naku.. 'Eto na.. Mga samu't saring kwento.. Na naman. Korni.

...

Martes. Isang ordinaryong araw.

Nagbukas ako ng internet. Yahoo ang homepage ko.

May artikulo. Tungkol sa 666. June 6, 2006. Birthday 'yun ng kaklase ko.


It all started with Revelation 13:18 in the Bible: "This calls for wisdom:
let him who has understanding reckon the number of the beast, for it is a human
number, its number is six hundred and sixty-six."

The beast is also known as the Antichrist, according to some apocalyptic
theories.


Nagtaka ako. Naku. Advance naman ng Yahoo. Layo pa n'un ah.

Kinagabihan..

Naglipana pa rin ang kung anu-anong mga bagay na tungkol sa 666. ABS-CBN, GMA.. Korni.

Hay naku.. Ang layo pa n'un.. OA naman nila. Hay..

...

Malalim na ang gabi.

Balita sa tv? Tungkol na naman sa 666.

Napaisip ako. Ba't 'yang numerong 'yan ang bukambibig ng mundo ngayon?

..kalendaryo..

Aww. June 6, 2006 pala ngayon. Naku.. 'Kala ko malayo pa. >.<

...

Pero..


Teka nga..

666?

June 6, 2006?

Kung iisipin, wala namang kakaiba.

Wala lang. Ang korni.

Isang halamang nagkataong may kawangis..

Isang ordinaryong araw na tinatratong kakaiba.

Isang halamang dinagdagan ng mga sanga upang idugtong sa kahawig niya..

Isang maliit na kwentong pinalaki.

Monday, June 05, 2006

Mura? Mapapamura Ka!

-- isang maikling kwentong hango sa aking karanasan --

Pasukan na!!

Enrollment? Check! Enrolled na ako.
Fees? Check!
Uniform? Check! P'ede pa 'yung sa last year.
Bag? Check! P'ede pa rin 'yung sa last year.
Sapatos? Check din! P'ede rin 'yung sa last year.
Ano pa kulang? Hmm..
Books? Bahala na..
Notebooks? Ayun!


Alas sais na ng gabi.. Malapit na magsarado ang mga tindahan.. Lipat dito.. Lipat d'on. Hanap dito.. Hanap d'on.

Tignan ko nga kung meron dito. Halungkat dito.. Halungkat d'on. Hanggang sa.. Waow! Astig 'to ah! Simple, mukhang sosyal, mura pa! P17 ang nkalagay sa tag price sa harapan ng mga notebook.

One, two, three, four, five, six..

"Miss, s'an p'ede magbayad?.. Ah.. Oki.."

Counter one. One, two, three, four, five, six..

"Forty-five?" tanong sabay sulyap ng salesgirl.

Hmm.. Anong 45? Nabigla na lang ako nang makita ko 'yung sticker tag sa likod ng mga notebook.

"Whaaaaat.. The.."

Forty-five pesos isa?! Balik ko na nga 'to..

D'on ko lang naisip na mali pala ang tag price na nakalagay. Kaya..

Mura? Mag-isip-isip muna, baka mapamura ka pa! Peace out! >.<

Sunday, June 04, 2006

BLOG! BLOG! BLOG! [tunog ng taong nagmumumog]

Blog! Ang blog na ito ay alay sa mga taong walang magawa katulad ko, para sa mga taong mahilig magbasa kahit walang kakwenta-kwenta ang kanilang binabasa, para sa mga taong cool na halos sinlamig na ng freezer, para sa mga taong uztig na sa sobrang kauztigan ay naninigas na, para sa mga taong jologs na super lakwatsa sa iba't ibang tindahan para makamura, ito'y para din sa mga sosyal na walang iniintindi kundi pagpapa-ispa at kung anu-ano pang ritwal, ito'y nilikha para sa bawat nilalang sa mundo, tao man o hindi, simple man o rockers, kakaiba man o karaniwan, mayaman man o mahirap, bata't matanda, may ngipin o wala, ito'y pinagsumikapan para sa inyong lahat. SANA'Y MAIBIGAN NINYO. wahehe.. PEACE OUT mga dude! ^___^ ,V,,
Kamusta kaibigan?

SIGE LANG. Sigaaaw pa! Teka, hingal ka na? Aaaw.

Hehe..

~

'Lamat sa pagbabasa. Mabuhay ka.